Menu
Narito ang dalawang nagungunang mga Tweet na nakalikha ng pinakamaraming Retweet para sa taon, dagdag pa rito ang mga parangal na banggit para sa iba pang mga Tweet na nakakuha ng atensyon sa buong mundo.
Barack Obama ✔ @BarackObama

“Apat na taon pa”

Nagkomento si President Obama sa kanyang muling pagkakaluklok
Credit: Michelle Obama, on Twitter

Nagkomento si President Obama sa kanyang muling pagkakaluklok

Bago siya umakyat sa entablado upang ikumpirma ang kanyang pagkapanalo sa halalan, minarkahan ni Pangulong Obama ito sa Twitter. Ilang oras lang mula noon, ang Tweet na ito ay sabay na naging pinakamaraming retweet sa taong 2012 — at pinakamaraming retweet sa lahat ng panahon. Ipinadala ito ng mga tao sa higit na 200 bansa sa buong mundo.
Justin Bieber ✔ @justinbieber

“RIP Avalanna. mahal kita”

Nagpaalam si Justin Bieber sa isang tagahanga
Credit: Avalanna Routh, on Twitter

Nagpaalam si Justin Bieber sa isang tagahanga

Ang anim-na-taong-gulang na nagdusa sa di-pangkaraniwang uri ng kanser sa utak na si Avalanna Routh ay isang masugid na tagahanga ni Justin Bieber, at ang pop star ay naging malapit sa kanya habang siya ay may sakit. Nang sumakabilang-buhay siya nitong Setyembre, nagbigay-pugay si Bieber sa kanya gamit ang isang Tweet, at pagkarami-raming mga Twitter Beliebers ang tumugon.
TJ Lang ✔ @TJLang70

“Betchot, NFL.. Multahan mo ako at gamitin ang pera pambayad sa mga regular na ref.”

Inilabas ni Packer TJ Lang ang kaniyang pagkakadismaya
Credit: Seattle Seahawks, on Twitter

Inilabas ni Packer TJ Lang ang kaniyang pagkakadismaya

Noong Setyembre ay nakipaglaban ang Seattle Seahawks sa Green Bay Packers. Ang ngayong sikat na huling laro ay tinawag na "replacement ref" dahil sa isang labor standoff sa unyon ng mga referee. Ang tawag na iyon ay nakalikha ng 1+ milyong mga Tweet habang ang mga manlalaro at tagahanga ay nagdagsaan sa Twitter para umangal sa desisyon. Ang Tweet ni TJ ay naging pinakamaraming beses na ni-retweet sa gabing iyon — at sa kabuuan ng NFL season.
Team GB ✔ @TeamGB

“29 ginto, 17 pilak, 19 tanso - Nagtapos kami sa ika-3 sa talaan ng mga medalya pagkatapos ng matagumpay na Olympics sa 104 taon #OurGreatestTeam RT iyong suporta”

Binati ng Team GB ang kanilang mga atleta
Credit: Team GB, on Twitter

Binati ng Team GB ang kanilang mga atleta

Sa unang pagkakataon mula noong 1948, ang Summer Olympics ay bumalik sa London. Ang mga atletang British ay nagpakita ng kahusayan na may kalamangan para sa "home team" na nagresulta sa mas maraming medalya na higit sa inaasahan. Sinundan ng mga tagahanga ang kanilang bawat galaw, at sumali sila sa pagsara ng Games para ipakita ang kanilang suporta sa #OurGreatestTeam
山寺宏一 @yamachanoha

“...Nais kong ipaalam dito: Ako, si Koichi Yamadera, ay pinakasalan si Ms. Rie Tanaka ... ako ay nasisiyahan na nakilala ko ang aking napakagaling na kapares at ang aming buhay ay pinag-isa. Nagdesisyon kami na respetuhin ang isa't isa at magtulungan na bumuo ng isang tahanan na napupuno ng mga ngiti...”

Sumaludo ang mga tagahanga ng anime sa isang kasalan
Credit: Spring'12 -cherry blossom- by Yoozigen, on Flickr

Sumaludo ang mga tagahanga ng anime sa isang kasalan

Nang inanunsiyo ng aktor na si Kouichi Yamadera sa Twitter na siya ay nagparehistro para magpakasal sa aktres na si Rie Tanaka, ito ay naging pinaka-niretweet na mensahe sa Japan ngayong taon. Bakit? Ang dalawa ay mga kilalang Hapones na aktor ng boses, sikat sa kanilang maraming papel sa anime.